Saturday, May 2, 2009

Anak, Nanay, Camping...

Anak: 'Nay, aalis na ho ako kasi mahuhuli pa po ako sa aking klase.

Nanay: Anak, sandali lang, eto baon mong sandwich at juice. Eto na din yun pananghalian mo para mamayang lunch break. Eto din yung panyo, dalawang bimpo, extra shirt at short at baka pagpawisan ka o madumihan. Narito na rin yung pulbos mo at cologne, yung tubi mo nga pala eto na rin. Ay! Teka! Yung payong mo at sumbrero nasa bag na yun at yung tsinelas para pag pagod na paa mo sa shoes at eto ang perang pamasahe mo nga pala.

Anak: Nay, hayup naman po sa dami. Camping ba ito?! Aabsent na nga lang ako. Grrr...

Hehehe ;P


ü ö